Ang pabula ay isang maikling kuwento na kinapapalooban ng aral ng mga babasa nito. Ito ay kadalasang gumagamit ng mga hayop na tauhan, mga halaman o mga bagay o gamit na nagsasalita, kumikilos at nabubuhay ng parang isang tunay na tao.
Mga Elemento ng Pabula:
- Tauhan (Characters)- mga gumanap sa pabula.
- Tagpuan (Setting)- tinutukoy ang panaon, lugar o pook kung saan naganap o magaganap ang pangyayari sa kuwento.
- Banghay (Story)- tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa pabula. Ito ay mayroong simula, gitna at wakas.
- Aral (Moral Lesson)-
Mga Kahalagahan ng Pabula
- Nakapagdaragdag sa mga bata/kabataan ng mga kasabihang buhat sa pabula tulad ng… “matalino man ang matsing”, “mag-ingat sa lobong nakabihis tupa”, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”, at “balat man ay malinamnam.”
- Mapalawak ang kanilang talasalitaan.
- Masasanay sa sining ng pagsasalaysay.
- Makapupulot ng mga aral na magagamit sa buhay.
- Mahihikayat na magbasa ng mga pabula.
- Malilinang ang kakanyahan sa pagsasalita ng patalinghaga